Sewer/Tailor (Mananahi/Sastre)
Job Summary / Buod ng Trabaho:
Ang sastre o mananahi ay gumagawa, nagbabago, at nag-aayos ng mga kasuotan at kagamitan para sa mga customer batay sa kanilang partikular na pangangailangan at kagustuhan. Dapat magpakita ng mahusay na komunikasyon, kasanayan sa pananahi, at kakayahang lutasin ang mga problema upang matiyak na nasisiyahan ang customer sa serbisyong ibinigay.
Duties and Responsibilities / Mga Tungkulin at Pananagutan:
- Pagtalakay sa mga kinakailangang pagbabago sa disenyo o pagkukumpuni ng kasuotan upang matiyak na natutugunan ang kagustuhan ng customer
- Pagtatala ng tamang sukat at tagubilin mula sa customer
- Pag-aayos ng mga kasuotan upang maging akma at maginhawa batay sa nais na detalye disenyo
- Pagpaplantsa ng mga kasuotan matapos ang pagkukumpuni ng mga ito at paghahanda para sa pagkuha ng customer
Qualifications / Mga Kwalipikasyon:
- May karanasan bilang mananahi o sastre
- May kakayahang gumamit ng makinang pantahi
- May kaalaman sa uri ng tela, disenyo, at konstruksyon ng damit
- May mahusay na koordinasyon ng kamay at mata
